𝐁𝐈 ππ€πŠπ€-π‡π„πˆπ†π‡π“π„ππ„πƒ 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 ππ€π‹πˆππ€π‘π€π 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀

Manila, Philippines – Nagpatupad ng Heightened Alert ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng international airports at seaports sa bansa matapos maglabas ang Sandiganbayan ng Warrants of Arrest laban kay dating Representative Elizaldy Co at 15 pang indibidwal noong Nobyembre 21 kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon sa BI, inilagay na sa kanilang centralized derogatory database ang mga pangalan ng mga sangkot upang agad silang ma-flag sakaling magtangkang umalis o pumasok sa bansa. Inatasan na rin ang lahat ng immigration officers na makipag-ugnayan agad sa Philippine National Police (PNP) para sa implementasyon ng mga warrants kung maharang ang alinman sa mga akusado sa anumang paliparan o pantalan.

Tiniyak ng ahensya na patuloy ang mahigpit na pagbabantay upang maiwasan ang pagtakas ng mga may kinahaharap na kaso at para suportahan ang isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan.

Share this