10 ARESTADO SA ONE-DAY LAW ENFORCEMENT OPERATIONS NG SPD

MANILA, PHILIPPINES – Noong Setyembre 16, 10 wanted na indibidwal ang naaresto ng Southern Police District (SPD) bilang bahagi ng intensified campaign laban sa mga lumalabag sa batas.

Kabilang sa mga naaresto ang isang Top Most Wanted Person dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tatlong Most Wanted Persons din ang dinala sa kustodiya para sa mga kasong may kinalaman sa Statutory Rape, paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004), at RA 10883 (Anti-Carnapping Act of 2016).

Ang natitirang anim ay naaresto dahil sa iba’t ibang mga kaso, kabilang ang Estafa, Qualified Theft, election related incidents, estafa, at qualified theft.

Pinuri ni Acting SPD District Director PBGEN Randy Y. Arceo ang mabilis na pagkilos ng mga yunit ng pulisya.

“Ang Southern Police District ay patuloy na hahabulin ang mga lumalabag sa batas at titiyakin na sila ay mananagot. Ang mga pag-arestong ito ay nagpapakita ng aming dedikasyon sa pagprotekta sa aming mga komunidad at pagtiyak na ang mga lumalabag sa batas ay mananagot,” dagdag niya.

Hinikayat din ng SPD ang publiko na magbigay ng impormasyon tungkol sa iba pang wanted na indibidwal upang makatulong sa pagpapatupad ng batas sa patuloy nitong pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Samantala, nagpapatuloy ang SPD sa intensified campaign laban sa mga ilegal na gawain.

12 indibidwal ang naaresto sa loob ng 24-oras na operasyon at itinala ang matagumpay na anti-drug operations kung saan nakumpiska ang 2.67 grams ng shabu.

May Standard Drug Price (SDP) na ₱18,156.00, at 5 drug suspects ang kasalukuyang humaharap sa kaukulang kaso, habang 2 anti-illegal gambling operations ang nagresulta sa pagkaka-aresto sa 7 indibidwal at pagkumpiska ng ₱1,120.00 na bet money.

Sa kabuuan, 3,498 violators ng local ordinances ang naitala na may kabuuang fines na ₱488,850.00, na nagpapatibay sa resolve ng SPD na itigil ang lahat ng unlawful activity sa kanilang nasasakupan at panatilihing ligtas ang mga komunidad. — Cloide Alvarez, Contributor.

Share this