14-ANYOS, HINALAY AT IBINAON SA SAGINGAN NG KANYANG AMAIN

Panabo, Davao City – Nakabaon at wala ng buhay ang isang 14 years old na batang babae nang matagpuan siya sa isang bakanteng lote sa isang bayan sa Davao.

Batay sa imbestigasyon, hinihinalang hinalay muna umano ang batang babae bago ito inilibing sa bakuran mismo ng lupain ng suspek.

Nangyari ang krimen sa Purok. 4, Brgy. Little Panay, Panabo City.

Noong February 28 pa nawawala ang dalaga kaya inireport kaagad ito ng kanyang ama na si Gerry Borrasca ,

Aniya sa mga pulis na ang huling kasama ng bata ay ang stepfather nito.

Base sa ulat, ang grade 9 studente na si ashley ay lumabas sa kanyang eskwelahan sa Panabo National High School bandang alastres ng hapon, at hindi na nakauwi pa sa kanilang bahay.

Nakita ang labi ng dalaga noong ika isa ng marso sa bakuran, sa may sagingan ng amain o stepfather ng dalaga.

Ito ay matapos matuklasan ng kapulisan ang bagong hukay sa may bakuran ng nasabing lupain ng suspek.

Kinilala ang suspek na si Mark Paltinca Bernabe, 40 years old na lalake.

Ayon sa mga awtoridad, ang ina ng bata ay isang overseas filipino worker o OFW.

Kasalukayang nasa kustdiya ng kapulisan ng Panabo ang suspek, kung saan umamin na rin ito sa kanyang gianwang krimen at pagpatay sa dalagita.

Dahilan ng suspek, nagawa niya ang krimen dahil hindi na niya kinaya ang mga masasamang salita na ibinabato sa kanya ng dalaga at ng ina nito.

Share this