Manila, Philippines – Tinatayang umabot na sa 150,000 katao ang dumalo sa ikalawang araw ng Peaceful Rally for Transparency ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand ngayong alas-9:00 ng umaga.
Patuloy pa rin ang pagdating ng mga kalahok habang nananatiling nakaalerto ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng malaking pagtitipon.
Inaasahang magpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga dumadalo habang nagpapatuloy ang ikalawang araw ng naturang aktibidad.