MANILA, PHILIPPINES – Pinangunahan ng Quezon City Government, Seagulls Flock Organization, Inc. (SFO) at International Gambling Counselor Certification Board (IGCCB) katuwang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang 1st International Conference on Responsible Gambling and Gaming Addiction.
Layunin nitong ipaalam sa publiko ang maaaring maging epekto ng sobrang pagsusugal at maiiwas ang mga ito sa sakit na maaari nilang makuha.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte mahalagang matalakay ang mga usapin pagdating sa responsible gambling and gaming lalo na sakanilang lungsod.
“Together with our partners, we aim to promotes responsible gaming and gambling, gambling addiction can lead health issues including mental health disorder like depression and anxiety.” Pahayag ni Mayor Joy Belmonte sa International Conference.
“Additionally it can cause financial ruin for individuals and families leading to increase reliance of social services, high risk of bankruptcy and potential increase crime rates due to financial desperation,” dagdag pa ng alkalde.
Sinabi naman ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na bagamat mahirap daw balansehin ang pagsusulong ng responsableng pagsusugal ng mga Pilipino, lalo na 1/3 daw sa ating populasyon ay gumagamit nito.
Patuloy naman daw ang kanilang pagsisikap na ginagawa upang matulungan ang adhikain ng QC gayundin ang National Government na bawasan ang pagsusugal at ilagay ito sa tamang pamamaraan.
“Its really difficult for PAGCOR to balance between regulating gambling all over the Philippines and at the same time making sure that responsible gambling is practice,” ayon kay Tengco.
“The role now of present administration of PAGCOR is to make sure that we are able to balance gaming and responsible gaming.” dagdag pa nito.
Kaugnay naman sa nalalapit na Solaire North sa Lungsod Quezon, napagkasunduan ang QC Government at Solaire na hindi maaaring pumasok sa anumang Casino sa QC ang lahat ng kanilang mga empleyado.
Para naman sa mga QCitizen kinakailangan nilang mag ‘show-off-money’ bago makalaro o makapasok sa Solaire North.
Samantala ipinahayag naman ng alkalde ang pagnanais nilang makatanggap ng porsyento mula sa gambling revenue ng PAGCOR na makakatulong sakanilang lungsod na matugunan ang social cause ng mga indibidwal na nalululong sa pagsusugal o paglalaro.
Nangako naman ang PAGCOR na pinaplano na rin nilang bigyan ng porseynto ang mga host City ng shares para sa kanilang mga programa upang tugunan ang gambling and gaming addiction.