2.26 MILYONG PILIPINO, WALANG TRABAHO NOONG DECEMBER; UNDEREMPLOYMENT, BUMABA SA 8% — PSA

Steady ang naging paggalaw ng employment at unemployment rate sa Pilipinas noong December 2025. 

Batay sa monitoring ng Philippine Statistics Authority sa Labor Force Participation, naitala ang 95.6% na employment rate noong December 2025, kapareho noong November 2025. 

Gayundin ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho na 4.4% o katumbas ng 2.26 milyong indibidwal.

Habang nakitaan naman ng bahagyang pagbaba ng datos sa underemployed persons.

Ayon sa datos, mula sa 10.4% noong November 2025, bumaba ang underemployment rate sa 8%. 

Ito ang manggagawang Pilipino na may trabaho ngunit hindi tugma sa skill set o sa napagtapusan nitong kurso.

Ito rin ang mga manggagawa na nagtatrabaho ng mahigit sa 40 oras o higit pa. 

Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar General USEC. Claire Dennis Mapa, huling naitala ang single digit underemployment rate noong pang May 2024 na 9.9%. 

Aniya, dulot pa rin ng holiday rush ang pagbaba ng underemployment dahil sa mataas na demand sa workers at economic activities. 

Samantala, pagtutuunan ng pansin ang Department of Economy, Planning, and Development (DepDev) ang paggawa pa ng mas maraming trabaho sa pamamagitan ng pagbabalik ng kumpyansa ng mga negosyante na magsimula muli ng negosyo, pagbawas ng mga gastusin sa pagnenegosyo, at mapapalawig ng mga training and reskilling opportunities.

Ayon kay DepDev. Usec. Rosemarie G. Edillion, ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagtatayo ng imprastraktura na maaaring makapagdulot ng mga high-impact program, activities, at mga proyekto lalo sa mga krusyal na sektor.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this