MANILA PHILIPPINES – Tinatayang nasa 21 armas ang isinuko ng kinatawan ng Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy sa Criminal Investigation
and Detection Group (CIDG) sa Davao nitong Sabado.
Nagpakilala ang kinatawan ng KOJC na si Israelito Torreon, sa kanyang facebook post ang naturang mga armas ay pagmamay ari ng isang Cresente “Enteng” Canada isang Brgy. Captain ng tamayong village.
Anya sa pamamagitan ng kanyang representasyon nagpasya si Canada na ipagkatiwala ang lahat ng kanyang lisensyadong baril sa CIDG regional office sa pamumuno ni Col. Bernard Pagaduan at Maj. Edgardo Bahan.
READ: HONTIVEROS: QUIBOLOY’s “DOUBLE STANDARD” STILL ENJOYING DESPTITE RAPS
“This act is made in order to show good faith that Barangay Captain Canada and the leaders of the Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name have no intention to use violence as a means to further their lawful and Godly objectives,” sabi ni torreon.
Isinuko anya ni Canada ang mga naturang armas para pasinungalingan ang mga usapin patungkol sa umanoy pagprotekta nito kay quiboloy.
“Brgy Captain Cresente Canada is a licensed sports gun collector yet he has chosen to entrust his guns to police authorities if only to dispel vicious rumours that he is using his guns to protect Pastor Apollo C. Quiboloy,” dagdag pa ni torreon.
Kabilang si Canada sa limang kapwa akusado sa child abuse at qualified human trafficking na mga kaso na isinampa laban kay Quiboloy sa mga korte sa Davao at Pasig cities.
Samantala sabi naman CIDG Director, Police Maj. Gen. Leo Francisco bahagi ng pagsuko sa mga naturang armas angkampanya laban sa loose firearms o ang Oplan Paglalansag Omega ng PNP.