Taganak Island, Tawi-Tawi – Nasagip ng Philippine Navy ang dalawang put anim na mga indibidwal mula sa lumubog na bangka sa tawi tawi.
Unang nakita ng Singapore-flagged tanker ang bangka, na agad na inireport sa mga awtoridad.
Agad na rumesponde ang Philippine Navy’s Naval Monitoring Station Taganak at patrol craft sa nasabing insidente.
Pasado alas nueve ng gabi nang makarating sa pinangyarihan ang PC390, kung saan makikitang naka hawak na lamang ang mga taong lulan ng bangka sa mga sira at wasak na mga kagamitin mula sa bangka.
Bandang 10pm ng mailigtas ang lahat ng pasahero ng bangka at nakatanggap ng mga medical assistance, pagkain, at mga damit.
Naidala naman na ang mga nasagip na indibidwal sa Taganak Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office upang bigyang atensyong medikal.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nakaranas ng malalakas na pag alon ng tubig ang bangka at ang mga sakay nito dahilan para lumubog ang nasabing bangka.