Pasay City, Philippines — Lumipad na pa-Myanmar nitong ika-2 ng Abril ang ikalawang batch ng Philippine Contingent team upang tumulong sa mga Pilipinong apektado ng naging lindol.
Bandang alas sais ng umaga nang umalis na pa-Myanmar ang isang C-130 plane na lulan ang 47 miyembro ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent na tutulong sa search and rescue, maging sa medical na pangangailangan para sa mga biktima ng lindol.
Ang batch na ito ay binubuo ng mga Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection, Department of Health (Philippines), Department of Environment and Natural Resources, at Office of the Civil Defense.
Matatandaan na nitong Martes ng madaling -araw ay nauna nang lumipad pa-myanmar ang unang batch ng Humanitarian Team, na binubuo ng 58 miyembro.