Albay, Philippines – Nakatanggap ng tulong pinansyal ang unang batch ng mahigit 3,600 senior high school at tertiary students mula sa lalawigan ng Albay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang inisyal na 1,200 benepisyaryo ay mula sa 47 barangay sa Tabaco City at 56 sa Bacacay.
Ayon kay Ako Bicol Paty-list Rep.Raul Angelo Bongalon anbg tatlong araw na aktibidad na ito ay magbebenepisyo sa mahigit 3,600 mula sa distrito ng albay.
Samantala,tumulong ang partylist group na mapadali ang tulong ng DSWD-AICS.
Naglaan din ito ng pondo para sa Tulong-Dunong Program, Tertiary Education Subsidy at Student Monetary Assistance for Recovery and Transition ng Commission on Higher Education.
Ang AICS program ay isang social safety net upang suportahan ang pagbawi ng mga indibidwal at pamilya sa kaso ng mga hindi inaasahang krisis, tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya at iba pang katulad na mga pangyayari.