Jose Abad Santos, Davao Occidental – Natagpuang patay ang tatlong taong gulang na batang babae sa isang pugon malapit sa kanilang bahay sa Davao Occidental.
Duguan, walang saplot, at wala ng buhay nang makita ang labi ng biktima.
Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan, ginahasa ng labing pitong taong gulang na kapatid nito ang biktima, saka pinatay.
Lasing umano ang binatilyong kapatid nito kaya nagawa niya ang karumaldumal na krimen.
Nakita pa umano ng 10 years old na pinsan ng mga biktima ang pagdala ng suspek sa biktima sa pugon na pinangyarihan ng insidente.
Ayon sa ilang mga kapitbahay, na may narinig pa umanong mga iyak at paghingi ng tulong ang bata ngunbit binalewala na lamang nila iyon dahil kasama naman daw ng bata ang kapatid nito.
Lumalabas din sa imbestigasyon na hinampas ng bakal ng suspek ang biktima dahil sa maingay umano ito habang ginagahasa ng kapatid.
Nakita rin ng mga imbestigador ang maliit na saksak sa noo ng bata na inamin ng suspek na sinaksak niya ito ng maliit na kutsilyo.
Sa ginawang autopsy sa labi ng biktima, nakita na may laceration sa may ari nito.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Jose Abad Santos ang nasabing suspek at mahaharap sa kasong rape with homicide.