Las Piñas City – Arestado ang isang motorcycle mechanic matapos matagpuang patay ang kalive-in partner at dalawang estudyante sa nirerentahang bahay nito sa Brgy. Pulang Lupa Dos, Las Piñas City.
Nadiskubre ng mga otoridad ang krimen matapos inireport ng kapatid ng suspek ang hindi magandang amoy na nagmumula sa loob ng tirahan ng mga biktima.
Kinilala ang mga biktima na sina Mary Jean Avellana, 27 years old, isang HR Officer, at mga estudyanteng sina Nathalie Jane Cabinto, 19 years old at Oliver Bula, 11 years old.
Pinangalanan naman ang suspek na si Vicente Kanagy, 36 years old, isang motorcycle mechanic sa nasabing lugar.
Nahuli ito ng mga awtoridad matapos magsagawa ng hot pursuit operation, kung saan sinabi na nasa impluwensya pa umano ito ng iligal na droga.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa police custodial facility at sinampahan ng tatlong bilang ng pagpatay.