3 SUSPEK, ARESTADO SA BUYBUST OPS SA BATAAN

Bataan, Philippines – Arestado ang tatlong suspek sa isinagawang magkakahiwalay na buy bust operation sa Bataan.

Nasabat ng Bataan Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director, PCol. Marites A. Salvador ang kabuuang 7.64 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php51,952 sa isinagawang mga busy bust operation ng otoridad sa Samal at Pilar Municipal Police Stations (MPS) noong Hulyo 13, 2025.

Batay sa ulat ni Salvador, nadakip ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng Samal MPS sa Brgy. Ibaba, Samal, Bataan.

Timbog sa kanila ang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php34,000.

Samantala, sa isang pang buy bust ng Station Drug Enforcement Unit ng Pilar MPS sa Brgy. Del Rosario, Pilar, Bataan, naaresto ang isang Street Level Individual (SLI).

Nakuha sa kanya ang 2.64 gramong shabu ng tinatayang nasa Php17,952.

Kasalukuyang dinala na sa kani-kanilang kustodiya ang mga suspek kasama ang mga nalakip na mga kontrabando.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —Raymond Jacinto, Contributor

Share this