Bulacan Province – Arestado ng National Bureau of Investigation ang mga suspek na sangkot sa mga iligal na Gawain kaugnay ang kidney trafficking sa Bulacan.
Ayon kay NBI Director Judge Jaime B. Santiago, isang reklamo ang tanggap nila patungkol sa nangyayaring aktibidad,na ad naman inaksyonan ng hensya.
Naiulat na ang mga suspek ay nagrecruit ng mga biktima at nag momonitor sa transportasyon ng mga kidney sa mga kliyente nito.
Ang mga biktima ay dumadaan umano sa proseso kung saan ipinapakilala sila ng mga suspek sa mga tatanggap ng kanilang kidney pagkatapos ay dadaan sa medical na proseso sa Brgy. Tungkong Mangga, SJDM, isang probinsya sa Bulacan.
Aniya ni Santiago, nagkakahalaga ng 200,000 pesos ang alok sa mga trafficked victims kapalit ng kanilang mga kidney.
Kasama sa naging pagresponde sa nasabing reklamo ng mga kaoperatibo ng National Capital region, kasama Social Workers from SJDM City Social Welfare and Development Office, isinagawa nila ng pagrescue, kung saan nailigtas ng siyam na biktima ng organ trafficking, at pag aresto sa mga suspek na sina Angela Atayde, Marichu Lomibao, at Dannel Sicat.
Ang siyam na nasagip na mga biktima ay itinurn-over na sa kustodiya ng Social Workers ng City Social Welfare and Development Office ng SJDM, Bulacan Province.
At iniharap naman para sa mas masusing paglilitis sa kasong paglabag sa Section 4 ng RA No. 11862 o Expanded Anti Human Trafficking Act.