400 FOREIGN WORKERS, ARESTADO SA HINIHINALANG PASAY POGO HUB

Tiklo sa isang raid ang 401 na mga banyagang nagtatrabaho sa isang hinihinalang POGO hub sa Pasay City nitong Miyerkules.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), iba-ibang lahi, na karamihan ay mula sa Asya, ang mga na-arestong foreign nationals sa isang condominum na batay sa impormasyon ng mga awtoridad ay isang POGO facility.

207 sa mga naaresto ay mga Chinese nationals, 132 ang Vietnamese, 24 na Koreano, 14 na Indonesian nationals, 12 mula sa Myanmar, 11 Malaysian, at isang Madagascar national.

Bukod sa mga ito, may naaresto ring 52 Pilipino sa na-raid na site.

Ayon sa mga awtoridad, may nakuha sa site na mga ebidensya ng hinihinalang cryptocurrency scams, investment scams, at love scams.

Bukod pa ito sa mga nareover na text blasters, one time password generators, at cold crypto wallets.

Bunsod nito, inisyuhan na ng lokal na pamahalaan ng Pasay City ng cease and desist order ang naturang site dahil sa operasyon kahit pa wala itong business permit.

Share this