425TH PAGKAKATATAG NG MALABON CITY, IDINEKLARANG SPECIAL NON-WORKING DAY

MALABON CITY – Idineklara ng Malacañang ang Mayo 21 bilang special non-working day sa Malabon City bilang pagdiriwang ng ika-425 na anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Naglalayon ang deklarasyon para bigyan ng pagkakataon ang mga residente ng Malabon na makibahagi sa mga aktibidad na kaugnay sa pagdiriwang.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang nasabing order na nagdedeklara na holiday ang Mayo 21.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga empleyado na magtatrabaho sa araw ng special non-working day ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanilang pangunahing sahod para sa unang walong oras ng pagtatrabaho.

Bagamat walang pasok para sa karamihan, ang ilang empleyado, kabilang ang mga nasa gobyerno, ay maaaring kailanganing pumasok sa trabaho sa araw na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this