46% PINOY NA “VERY HAPPY’ SA LOVELIFE NANATILI PA RIN NA RECORD LOW-SWS

Manila, Philippines – Nananatili bilang Record Low ang status ng mga pinoy na masasabing “Very Happy” ang kanilang love life dahil ang porsyento lamang nito ay nasa 46% batay yan sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Sa loob ng 20 taon mula noong 2004 masasabing kapareho lamang umano ito sa porsyento noong nakaraang taon at nanatiling pinakamababa.

Umabot naman sa 40% ang nagsasabing maaari pa silang maging masaya, habang nasa 14% naman ang nagsasabing wala silang lovelife na 18% noong nakaraang taon.

Batay sa SWS survey naitala na pinaka mataas ang antas ng kasiyahan ng mga pinoy sa mga mayroong asawa at sinundan ito ng mga mayroong ka live-in partner.

Sa panig ng mga Kababaihan  base sa status ng relasyon at kasarian, pinakamasaya ang mga may asawa (57%), na tumaas ng tatlong puntos mula sa 54% noong 2024.

Bumagsak naman ang kaligayahan ng mga kababaihang nasa live-in partners (45% mula 53%) at mga walang partner (22% mula 24%).

Sa panig naman ng mga Kalalakihan,Bagama’t masaya ang mga may asawa na nasa(55%), bumaba ito ng anim na puntos mula sa 61% noong nakaraang taon.

Ang mga lalaking nasa live-in setup ay nanatili sa 50%.

Umakyat naman sa 28% ang bilang ng mga lalaking naitalang masaya sa kadahilanang wala silang partner na tumalon ng siyam na puntos mula sa dating 19% noong 2024.

Share this