Isang pampasaherong eroplano ang bumagsak sa isang liblib na lugar sa Russia kahapon, July 24.
Batay sa mga report, patungo ang twin-propeller na Antonov-24 sa bayan ng Tynda bago ito bumagsak sa silangang rehiyon ng bansa.
Ayon sa regional governor at mga imbestigador, lahat ng sakay ng eroplano ay nasawi, kabilang ang limang batang pasahero at anim na crew nito.
Pangalawang beses na raw nito sinubukang mag-landing sa Tynda nang mangyari ang aksidente.
Nahanap naman ng search helicopter ang umaapoy na fuselage ng eroplano matapos mawala ang signal nito sa radar.
Dahil sa fuselage, napag-alaman na nasa 50 years old na pala ang eroplanong ito, na isa sa mga tinitingnang sanhi ng pagbagsak ang sasakyang panghimpapawid.
Binuksan na umano ng mga otoridad ang imbestigasyon sa anggulo na nagkaroon ng paglabag sa air traffic at air transport rules. —Isa Estrellado, Eurotv News