Manila, Philippines – Naitala ng ng Department of Transportation (DOTr) ang pinakamataas na kabuuang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong December 9, 2025.
Ayon sa datos, umabot sa mahigit 507,140 na pasahero ang naitala sa MRT-3, mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 504,486 na pasaherong naitala sa terminal noong November 12, 2025.
Mayroong average na bilang na labing tatlo 3-car at anim 4-car CKD train sets na tumatakbo sa mainline tuwing peak hours ng MRT-3.
Dumadaan ang MRT-3 sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City.—Grachella Corazon, Eurotv News