6 NA CHINESE COAST GUARD, PUMASOK SA ‘RESTRICTED AREA’ NG TAIWAN

Taiwan — Namataan ng Taiwanese Coast Guard ang pagpasok ng apat na barko ng China sa ‘restricted waters’ ng Taiwan.

Ang dalawa apng barko ay nakasuporta naman sa Chinese Coast Guard.

Nangyari ito sa kalagitnaan ng ikalawang araw ng paglulunsad ng Beijing ng military drills.

Ayon sa mga otoridad ng Taiwan, ito na ang ika-walong beses na pumasok ang mga barko ng China sa restricted waters ng Taiwan ngayong buwan.

“This is the eighth time this month Chinese coast guard vessels have sailed into the restricted waters,” saad ng Taiwanese Coast Guard.

READ: DFA ‘NOT AWARE ‘OF THE ‘NEW MODEL’ IN AYUNGIN SHOAL

Sinubukan naman ng Taiwanese Coast Guard na balaan ang mga Coast Guard ng Republic of China, at Yilan patrol vessel, at sinabing nakakabahala sa Taiwan Strait ang mga aktibidad ng mga barko ng China.

“China 548 vessel, this is the coast guard of the Republic of China, Yilan patrol vessel. Your action will severely undermine the peace and stability in the Taiwan Straits. It will increase possibility of incidents and security risk. Please change your direction. If you decide to enter we will take action to repel you,” ayon sa Taiwanese Coast Guard.

Pero ang Chinese Foreign Ministry ay naglabas ng nakakabahalang pahayag na may pagbabanta sa Taiwan independence forces.

“Taiwan independence forces will be left with their heads broken and blood flowing after colliding against the great,” ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin.

Sa huli nanawagan ang Taiwan sa Beijing na agaad na itigil ang hindi makatwirang pag-uugali nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this