6 WANTED PERSONS SA NUEVA ECIJA, ARESTADO SA 1-DAY MANHUNT OPERATIONS

Nueva Ecija, Philippines – Anim na wanted person ang naaresto sa magkakahiwalay na one-day manhunt operations sa Nueva Ecija.

Ayon sa Nueva Ecija Police Provincial Office, isinagawa ang operasyon noong March 19, 2026 sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.

Sinabi ni Provincial Director PCOL Ritchie Claravall na ang mga suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest.

Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng mga naaresto ay paglabag sa iba’t ibang batas tulad ng illegal possession of firearms, carnapping, qualified theft, at estafa.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units para sa tamang disposisyon.

Dagdag ni Claravall, patuloy ang kanilang mahigpit na operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at agarang mahuli ang mga kriminal.

Isinagawa ang operasyon alinsunod sa direktiba ng Philippine National Police para sa mas pinaigting na law enforcement.—Carlos Concha, Contributor

Share this