872 SUSPEK SA IBA’T IBANG KRIMEN, NAHULI SA NCR

Manila, Philippines – Kasunod na panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mas ligtas na bansa, pinaigting ng National Capital Region Police Office ang operasyon laban sa kriminalidad at ilegal na droga.

Mula Setyembre 8 hanggang September 14, 2025, 872 na katao ang naaresto sa iba’t ibang operasyon laban sa illegal na droga.

Ayon kay Acting PNP Chief PLTGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mga isinagawang operasyon ay patunay ng kanilang dedikassyon na tiyaking ligtas ang komunidad,”Bawat pag-aresto at bawat pagsamsam ng ilegal na droga ay hakbang para mapanatiling ligtas ang ating mga kalsada at kumunidad,” ani niya.

Sa mga naaresto, kabilang ang 119 na most wanted persons at 198 iba pang wanted individuals.

Nagsagawa rin ng 205 anti-drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 299 na indibidwal, kabilang ang isang high-value target at 53 street-level suspects.

Bukod dito, nagsagawa ang NCRPO ng 140 anti-illegal gambling operations na nagresulta sa 295 na naaresto at pagkumpiska ng humigit-kumulang ₱75,000 mula sa pustahan.

Nahuli rin ang 41 na Indibidwal sa pagdadala ng unlicensed firearms.

Iniulat rin ng NCRPO ang 57,871 na paglabag sa lokal na ordinansa, na nakalikom ng mahigit ₱17.4 na milyon na mula sa multa, kabilang dito ang public drinking, smoking, pag-ihi sa publiko, at pag-labag sa curfew ng mga menor de edad.

“Ang mga operasyon na ito ay patunay ng aming dedikasyon sa batas at kaayusan. Hindi lamang namin ipinatutupad ang batas, kundi pinapatibay din namin ang tiwala ng komunidad sa amin,” dagdag ni Acting Chief PNP Nartaez. -Eulezes Sanhorho, Eurotv News Contributor

Share this