97-KGS NG SIRANG KARNE AT ISDA, NAKUMPISKA SA BAGUIO

Baguio City – Nasamsam ng mga awtoridad sa ginawang inspeksyon sa isang talipapa at satelite market sa baguio city ang mga sirang karne na nasa 72.85 kilos at sirang isda na aabot sa 24.28 kilos na sa kabuuan ay nasa 97.13 kilos .

Isinagawa ang spot inspeksyon sa mga barangay ng San Vicente, Kias, Loakan, at Camp 7, natuklasan ng mga awtoridad na ang mga nasirang karne at isda ay hindi angkop para sa pagkain ng tao dahil sa maling paghawak, ayon sa Facebook post ng Baguio City Public Information Office noong Linggo.

Ang mga nasirang paninda ay itinapon sa Baguio City Veterinary and Agriculture Office.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang dalawa sa 46 na inspeksyon na weighing scale dahil sa depekto.

Ang mga maling tindera/tindero na nagtitingi ng karne ay papatawan ng P5,000 para sa bawat paglabag.

Bukod dito, mayroon ding iba pang parusa para sa mga lalabag sa zoning requirements, shop planning and design, electrical at lighting requirements, sanitation requirements, at solid waste management na binubuo ng multa mula P1,000 hanggang P5,000 na multa at pagsasara ng negosyo.

Ang programa ay bilang pagsunod sa Republic Act 9296 (Meat Inspection Code of the Philippines), RA 7394 (Consumer Act of the Philippines), RA 10611 (Food Safety Act), at Department of Agriculture Administrative Order (AO) No. 5, na nagre-regulate sa hygienic na paghawak ng mga bagong kinatay na karne sa pampublikong pamilihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this