SSFI, NAMAHAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES SA MGA BATANG AETA

Zambales, Philippines – Matagumpay ang naging pamamahagi ng school supplies ng Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI) sa mga batang Aeta sa San Marcelino, Zambales noong Sabado (June 28, 2025).

Sa pangunguna nina SSFI President Heart Evangelista-Escudero at Vice President Kathryna Yu-Pimentel, nakatanggap ang 200 batang Aeta ng kagamitan para sa pag-aaral sa ilalim ng “Back-to-School” project.

Bukod pa sa mga mag-aaral, nabigyan din ang bawat pamilyang katutubo ng food packs o mga grocery items, vitamins, at gamit panangga sa ulan.

Binigyang diin ni SSFI President at fashion model na si Heart Evangelista ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat bata, patuloy aniya ang pagsisikap ng organisasyon na makapagbigay ng tulong sa mga ito.

Nagpasalamat din ang SSFI sa suporta ng lokal na pamahalaan at mga guro sa pagsasakatuparan ng proyekto. — Carla Ronquillo, Contributor

Share this