MGA EXECUTIVE ORDERS NI MAYOR ISKO, IPATUTUPAD SA LUNGSOD NG MAYNILA

Manila, Philippines – Lumagda ng executive orders si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang pagbabalik bilang alkalde sa lungsod ng Maynila.

Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 1, sinabi ni Yorme na dapat lahat ng opisyal at empleyado ng lungsod ng Maynila ay maging mabuting halimbawa ng magandang asal.

Mahigpit namang ipinatutupad ni Mayor Isko sa EO No. 2 ang 10PM-4AM curfew sa menor de edad na nasa 17-anyos pababa.

Sa ilalim naman ng EO No. 3, inaatasan din ng alkalde ang mga barangay official na pangunahan ang clean-up drive sa kanilang komunidad simula sa July 5 at sa mga susunod pang Sabado.

Para naman sa EO No. 4, mahigpit ding ipinatutupad ni Domagoso ang Motor Vehicle Modified Muffler Noise Regulation, at minamandato nito sa EO No. 5 ang mga telco at iba pang cable providers na ayusin ang ‘spaghetting wires’ sa lungsod.

Sa kabuuan dalawampung (20) Executive Orders ang ipatutupad sa Lungsod ng Maynila.

Ang mga kautusang ito ay naglalayong mapabuti ang serbisyo publiko at mas mapabilis ang mga programa para umano sa kanilang mga kababayan.

Sa pamamagitan ng mga Executive Orders na ito, mas mapapalakas din daw ang iba’t ibang sektor gaya ng kalusugan, edukasyon, seguridad, at kabuhayan.

Sisiguraduhin din umano ng alkalde na mararamdaman ng mga manilenos ang positibong epekto ng mga bagong polisiya at programa sa lungsod.

Share this