Manila, Philippines – Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority MMDA ang real time short message service SMS at Email notification sa ilalim ng MyHuliKa App para sa mga motoristang may violation sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, bahagi ang hakbang na ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para panatihin ang road safety at labanan ang korupsyon sa kalsada.
Sa naturang hakbang, makakatanggap ang mga motorista ng text messages sa kanilang numero kahit hindi naka-connect sa kanilang mga internet at kaagad na maaksyunan sa oras na sila ay ma-notified.
Naisaktuparan na rin ito base sa kanilang pakikipagtulungan sa telecommunications company at Land Transportation Office (LTO), para sa mas epektibo at mabilis na paraan para maipaalam sa mga registered owner ang kanilang traffic violation.
Para sa SMS tanging MMDA_NCAP ang mag sesend ng violation at hindi gagamit ng cellphone number, habang “no-reply@mmda.gov.ph” naman ang para sa email.
Nagpalala rin ang MMDA na ang parehong notification ay walang nakalagay na payment para maiwasan na rin ang scams.
Pinayuhan din ni Artes ang publiko na maging maingat sa anumang mga kahina-hinalang mensahe na naglalaman ng mga link at suriin ang impormasyon ng nagpadala upang maiwasan ang mga potensyal na scam.
Ang mga contact number at email address ng mga may-ari ng sasakyan ay nagmula sa mga rekord na nakarehistro sa ilalim ng Land Transportation Management System (LTMS) ng LTO.
Kailangan rin daw updated ang mga LTO LTMS ng mga vehicle owners para matanggap ng mga ito ang kanilang violation notifications.