Manila, Philippines – ‘UNMODIFIED OPINION’
‘Yan ang naging anunsyo ng Commission on Audit (COA) sa paggasta ng Office of the Vice President (OVP) sa pondo nito noong 2024.
Ito na ang ikatlong beses na nakakuha ng pinakamataas na rating mula sa COA ang OVP mula noong 2022 sa ilalim ng liderato ni Vice President Sara Duterte.
Batay sa report ng COA, naipresenta ng OVP ang lahat ng kinakailangang financial statements ng patas at may respeto.



Iginagawad ng COA ang unmodified opinion kung walang nakitang anomalya o iregularidad sa paggamit ng pondo ng isang tanggapan.
Tungkulin aniya ng COA na alamin ang sapat na katiyakin sa kabuuang financial material kung mayroong mga misstatement, kung ito man ay isang panlilingan o kamalian.
Mula rito maglalabas ng report ang ahensya kabilang na ang kanilang opinion, ito man ay malinis o may anomalya.
Ngunit sa kabila ng pagsunod ng COA sa International Standards of Supreme Audit Institutions (ISSAIs), hindi pa rin aniya nito laging ginagarantiyahan na matutukoy ang irregularidad sa mga financial statement.
Ayon kay OVP Spokesperson Atty. Ruth Castello, malaking bagay ito para sa OVP lalo’t usapin pa rin ang umano’y maling paggamit ng confidential fund. Samantala, inialay ni Vice President Sara Duterte ang ‘unmodified opinion’ mula sa COA sa masigasig na pagtatrabaho ng kanyang empleyado. —Krizza Lopez, Eurotv News