Manila, Philippines – Nagbigay ng magkakahiwalay na reklamo ng cyberlibel si Senadora Risa Hontiveros sa Department of Justice (DOJ) laban sa isang abogado, limang personalidad sa social media at kay ex-Kingdom of Jesus Christ (KOJC) witness Michael Maurillo na umatras sa unang testimonya niya laban kay KOJC pastor Apollo Quiboloy at dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Maurillo ang tanging nirereklamo sa isang kaso at giniit pa ni Sen Honteveros sina, Atty. Ferdinand Topacio, vloggers na sina Banat By (Bryon Cristobal), ka Eric Celiz, Kiffy Chu, Jay Sonza, at Tio Moreno (Alex Destor).
Ayon sa kanya, ang mga bidyo at komento kanilang ipinakalat ay hindi lamang “fake news,” kundi organisadong pag-atake.
“Sinusubukan nilang ibaon ang totoong kwento ng mga taong ito. Hindi natin papayagan ‘yan,” sinabi ng Senadora.
Pinuna din niya ang mga vlogger na patuloy sa pagpapakalat ng umano’y kasinungalingan, aniya’y pag-atake ito sa kautusan ng Senado.
Dagdag pa ni Hontiveros, posibleng mas marami pang reklamo ang isampa laban sa mga ito.
Samantala, iginiit ni Celiz na ang reklamo ay paglabag sa kalayaan sa pamamahayag, habang sinabi ni Topacio na hindi pa niya natatanggap ang reklamo. Gayundin, wala pang kasagutan ang iba pang mga nirereklamo.
Noong Hulyo 2, 2025, naghain rin ng kaparehong reklamo si Hontiveros laban sa mga nabanggit sa National Bureau of Investigation (NBI).—Carla Ronquillo, Eurotv News