KILALANIN: LIDERATO NG SENADO, KAMARA SA IKA-20 KONGRESO

Manila, Philippines – Bago ang ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong ika-28 ng Hulyo, opisyal na ring nagbukas sa parehong araw ang ika-20 Kongreso ng Senado at ng House of Representatives.

Sa first regular session ng 20th Congress ng Senado noong Lunes, na re-elect sa liderato si Senate President Francis “Chiz” Escudero matapos ang nominasyon at botohan sa pagitan ng mga senador.

19 na boto ang nakuha ni Escudero, mula sa mga sumusunod na senador:

– Bam Aquino

– Alan Peter Cayetano

– Pia Cayetano

– Bato Dela Rosa

– JV Ejercito

– Jinggoy Estrada

– Sherwin Gatchalian

– Bong Go

– Lito Lapid

– Rodante Marcoleta

– Imee Marcos

– Robin Padilla

– Kiko Pangilinan

– Erwin Tulfo

– Raffy Tulfo

– Joel Villanueva

– Camille Villar

– Mark Villar

– Tito Sotto

Si Escudero rin ang ibinoto ng kapwa nya nominado sa Senate Presidency na si dating Senate President Tito Sotto, habang ibinoto naman ni Chiz si Tito Sen.

Alinsunod sa tradisyon ng Senado, si Sotto na ang itinalagang Senate Minority Leader. Magiging bahagi ng minority bloc ang mga bumoto kay Sotto kabilang na sina Senador Risa Hontiveros, Migz Zubiri, Loren Legarda, at Ping Lacson.

Re-elected din sa kanyang pwesto bilang Senate President Pro Tempore si Senator Jinggoy Ejercito Estrada.

Si Senator Joel Villanueva naman ang tatayong Majority Leader ng Senado at chairperson ng Committee on Rules na hawak nya rin noong 19th Congress.

Sa kabilang banda, re-elected din sa kanyang posisyon si House Speaker Martin Romualdez, na syang tanging naging nominado sa posisyon.

269 na kongresista ang bumoto kay Romualdez, habang 34 naman ang nag-abstain.

Si Presidential son at Ilocos Norte 1st district representative Sandro Marcos ang nahalal bilang Majority Floor Leader, habang si 4Ps Partylist representative Marcelino Libanan naman ang Minority leader. —Mia Layaguin, Eurotv News

Share this