Manila, Philippines – Maaaring ilipat ang rehabilitasyon ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) sa taong 2027 na sana ay magsisimula na noong buwan ng Hunyo ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Public Works Secretary Manuel Bonoan na hinihintay ngayon ng DPWH ang ‘go signal’ ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para ipatupad ng ahensya ang mga rekomendasyon nito na gumamit ng non-conventional construction technology para ipatupad ang rehabilitasyon ng EDSA.
Ani pa Bonoan, batay pa umano sa Pangulo na ayaw nitong mapahaba ang pagsasara ng lane sa Edsa.
Sa orihinal na plano, ang EDSA ay muling itatayo ng lane-by-lane, na ang bawat isa ay papalitan ng bagong kalsada.
Pinag-aaralan na ngayon ng DPWH ang proseso ng “oras at galaw” kung saan ilalagay ang isang layer sa ibabaw ng EDSA.
Aniya, hindi magiging praktikal na gawin ang EDSA rehabilitation ngayong ikalawang kalahati ng taon sa gitna ng tag-ulan.
Dahil naman nakatakdang i-host ng Pilipinas ang 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na taon, sinabi ng DPWH chief na ang paggamit ng bagong teknolohiya, ang rehabilitasyon ng EDSA ay “aabot ng humigit-kumulang anim na buwan.”
Kaya naman asahan umano ayon kay Bonoan na magkakaroon ng kaunting pagbabago sa badyet.
Tinatayang nagkakahalaga naman ng P8 bilyon at P17 bilyon ang buong proyekto.