Manila, Philippines – Magandang balita para sa mga pensioners ng Social Security System (SSS), dahil magkakaroon ng three-year reform program ang ahensya kung saan madadagdagan ang pensyon para sa retirement ng mga disability pensioners mula 10% annually hanggang 2027.
Batay sa SSS, ang pension reform program ay aprubado ng Social Security Commission (SSC) sa ilalim ng Resolution NO.340-S.2025 na ang pintsehan noong July 11,2025.
Ang Pension Adjustments ay nakatakda namang iimplentahin sa pagsisimula ng Setyembre sa kasalukuyang taon.
Ayon naman sa pension fund, ang pension reform na ito ang kauna-unahang multi-year adjustments ng katulad na institusyon sa loob ng 68 taon.
Ang naturang increased ay iimplentamahin sa three annual tranches kada buwan ng setyembre.
Matapos ang tatlong taon, ang pension ay magtataas mula approximately 33% retirement sa disability pensioners , 16% para sa death/survivor pensioners, ayon sa SSS.
Sinabi ng SSS na ang pension reform program ay ginagabayan ng tatlong prinsipyo:
- Pag-angat sa lahat ng mga pensyonado sa pamamagitan ng inclusive benefit adjustments.
- Pagbawi mula sa inflation upang maprotektahan ang bawat indibidwal.
- Pagsusulong ng halaga ng pagtatrabaho, pag-iipon, pamumuhunan, at pag-unlad, ayon sa ipinag-uutos ng RA 11199.
Ayon sa SSS Chief Actuary, ang reporma ay magreresulta lamang sa isang napapamahalaang pagbabawas ng fund life mula 2053 hanggang 2049, na binabayaran ng mas malakas cash flow mula sa mga nakaraang reporma sa kontribusyon at pinahusay na collection efforts.