PCSO NAKAPAGBIGAY NA NG HIGIT SA 1,067 PATIENT TRANSPORT VEHICLES SA MGA LGUS 

Manila, Philippines – Sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na makapaghatid ng mas mabilis na serbisyong  medikal ang bawat bayan sakanilang mga nasasakupan. 

Patuloy na namamahagi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng mga Patient Transport Vehicles (PTVs).

Sa naganap na distribusyon ng 106 na PTVs sa probinsya ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Lanao del Sur at Isabela City sa Basilan na mismong dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aabot na raw sa 1,067 na mga PTVs ang kanilang naipamahagi mula June 2022 hanggang taong kasalukuyan sa iba’t ibang mga siyudad at munisipalidad sa buong bansa.

Karamihan daw sa mga ito ay kabilang sa 4th, 5th, at 6th class municipalities o maliliit na local government units (LGUs) na kadalasang malalayo.

Tinatarget naman ng pamahalaan na mabigyan lahat ng 1,452 Cities at Municipalities sa buong bansa bago matapos ang taon.

Samantala ang patuloy na pamamahagi ng mga PTVs ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Marcos na mas mabigyan ng madaliaang healthcare access ang bawat lugar sa bansa.

Ang mga PTVs ay nakasailalim sa PCSO’s Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP).

Bawat isang ambulansa ay may stretcher, oxygen tank, blood pressure monitor at iba pang medical at supply tools na titiyak sa kaligtasan ng mga pasyente habang sila ay dinadala sa mga ospital.

Share this