Manila, Philippines – Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na paginhawain ang serbisyo para sa publiko sa kanyang digitalization program, noong July 25 lamang ay inilunsad na ng Department of Transportation (DOTR) ang pilot run ng cashless payment method sa mga rail lines ng MRT-3 stations.
Layon ng sistemang ito na magamit ang pagbabayad sa pamamagitan ng debit at credit cards, QR codes, at NFC-enabled mobile devices para sa alternatibo at hassle-free na pagsakay ng mga pasahero ng MRT-3.
Ngunit, humigit dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas, nakarating na sa ahensya ang ilang system issue sa mga cashless turnstiles ng MRT-3 kapag magta-tap out ang mga pasahero.
Ayon kasi sa mga ini-report na isyu sa DOTR, isinisingil ang mga pasahero ng maximum fare na nagkakahalagang P28, kapag lalabas na sila mga kinauukulang turnstiles ng istasyon kahit pa hindi ito ang tamang singil.
At bilang agarang aksyon, simula ngayong araw Agosto 4, magbibigay ng libreng non-expiring single journet tickets (SJT), o equivalent ng maximum MRT fare, ang Department of Transportation (DOTR) at MRT-3 para sa mga pasahero ng istasyon na bigong makapag tap-out para sa kanilang susunod na pagsakay.
Samantala, humingi din ng paumahin si Transportation Sec. Vince Dizon at ipinangako sa publiko ang tuloy-tuloy na system upgrades para iwas-aberya, pati na rin ang pagdadagdag ng cashless turnstiles ngayong buwan ng Agosto.