Manila, Philippines – Tuluyan nang ipinagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga empleyado, attached agencies, at appointed local officials ng bawat lokal na pamahalaan ang anumang online gambling platforms o online sugal.
Sa ilalim ng direktiba, bawal mag-access ng anumang online gambling platforms ang mga appointed at elected local officials.
Sabi ng DILG ang public office ay isang public trust, kaya ang pagtangkilik sa mga sa mga ganitong uri ng aktibidadad ay ay nakasisira sa kredibilidad ng institusyon.
Ayon sa ahensya ginawa nila ang hakbang matapos makarating na may ilang opisyales ng pamahalaan at empleyado ang nalululong sa online gambling.
Papatawan ang nang mabigat na parusa ang sino mang mapapatunayang lumabag sa kautusan kabilang na ang administratibo o kasong kriminal.
Sakop ng utos ang ilang attached agencies kabilang na ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), National Youth Commission (NYC), Philippine Commission on Women, National Commission on Muslim FIlipinos, Philippine Public Safety College, at National Police Commission.