Manila, Philippines – Ninanais pang palawigin ng Pilipinas at Canada ang maganda nang naumpisahan ng dalawang bansa pagdating sa lumalaking agri-fishery trade.
Ipinahayag iyan nina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Agriculture and Agri-Food Minister ng Canada na si Heath Macdonald sa naganap nilang pagpupulong kamakailan.
Ayon sa dalawang lider mula 2020 hanggang 2024, magkatuwang na ang dalawang bansa sa pagpapalitan ng mga produktong pang agrikultura.
Sa katunayan sa nasabing mga taon umabot ng halos USD 2.39B ang kalakan ng Canada at Pilipinas, kung saan pinaka-malaki ang kabuuang halaga na naitala nila noong 2022 na may USD 568 million.
Samantala bukod sa pagpapalawak pa lalo ng pakikipagkalakalan sa pagitan ng mga bansa, napag-usapan din ng dalawang agriculture minister na ang tungkol sa pagpapabuti sa proseso ng high value crops, pagtugon sa African Swine Fever (ASF), seguridad sa pagkain, at negosasyon para sa free trade.
Positibo naman ang DA na sa pamamagitan ng naturang pagpupulong,mapapalakas pa lalo nito ang relasyon at matibay na ugnayan ng Pilipinas at Canada hindi lang sa pakikipagkalakalan kundi sa ibang aspeto pa na ikabubuti ng bansa.