PANGASINAN LGU, IPINASARA ANG ISANG POULTRY FARM DAHIL SA ILEGAL NA OPERASYON

Pangasinan, Philippines – Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Pangasinan ang isang poultry farm sa kanilang bayan matapos madiskubre na wala itong permit para mag-operate.

Base sa inspeksyon, walang building sanitary, at business permit ang nasabing poultry farm na matatagpuan sa baryo ng Fulgosino.

Ayon kay Pangasinan Mayor Chris Evert Tadeo-Leynes, hindi rin kumpleto ang nasabing farm pagdating sa iba pang mga kinakailangan sa paligid ng pasilidad.

Ang desisyon ng pamahalaan na ipasara ang operasyon ng farm ay naglalayong matiyak na tanging mga rehistradong negosyo lamang ang pinahihintulutan magtayo at mag-operate sa bayan.

“If they wanted to do business in Umingan, they should have ensured that they would comply with all the necessary requirements set forth by the law and regulations. That’s why I ordered strict implementation of all ordinances pertaining to poultry and piggery,” pahayag niya.

Matatandaan na isang poultry farm din sa baryo ng Umingan sa Eastern Pangasinan ang sinuspinde ang operasyon noong 2023 matapos lumabag sa sanitation na naging dahilan ng malawakang fly infestation.

Batay sa resulta ng inspeksyon, malinaw ang paglabag ng poultry farm sa Sanitation Code of the Philippines na nagbabanta ng panganib sa kalusugan ng mga residente.

Ang mahigpit na pagpapatupad ng patakaran ay naglayong protektahan ang kapaligiran at residente ng Fulgosino. —Lloyd Demependan, Contributor

Share this