BOC, PANSAMANTALANG SINUSPINDE ANG QR SCANNING SA ILALIM NG GREE LANE NA PAPASOK NG BANSA

Manila, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Bureau of Customs (BOC) ang pag-scan ng QR code system sa ilalim ng green lane para sa mga pasaherong papasok ng bansa. 

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ginawa ito para maibsan ang mahabang pila ng mga papasok ng bansa lalo na kung wala namang dalang taxable goods.

Paliwanag naman ni Nepomuceno, hindi nila inaalis ang pag-fill out sa e-travel form. 

Binabawasan lang umano nila ang prosesong pinagdadaanan ng mga pasahero lalo na ang mga bisita at uuwi ng bansa.

Giit nito, sa halos lahat raw ng bansa ay ang Pilipinas lamang ang tanging may ganung proseso bagay na nakakasagabal.

Halimbawa na lang ang mga pasaherong may idedeklarang taxable goods, dito kailangan nilang dumaan sa qr scanning o yung tinatawag na red lane. 

Sabi ng BOC kung lalampas sa 10 thousand pesos kailangan i-deklara sa custom ang mga taxable goods na dala ng bawat pasahero. 

Ayon naman sa ilang dayuhan na magbabakasyon sa Pilipinas, hindi raw sila nakaranas ng pagkaantala at naging mabilis umano ang kanilang transakyon nang dumating sa bansa. 

Wala rin daw dapat ipangamba pagdating naman sa kanilang monitoring sa posibleng pagpasok ng mga illegal kasunod ng pagsuspinde sa green lane na epektibo simula August 14, 2025.

Share this