Bulacan, Philippines – Personal na binisita at inspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Rehabilitasyon ng River Protection Structure sa kahabaan ng Barangay Bulusan sa Calumpit, Bulacan.
Isa ito sa mga flood-control projects sa probinsya ng bulacan na pinondohan ng mahigit P96.4-M sa ilalim ng St. Timothy Construction Corporation na kinilala bilang isa sa mga top three contractors na gumagawa ng mga proyekto sa flood-control projects nationwide.
Ayon sa ahensya, isa ang bulacan sa naiulat na may pinakamaraming proyekto ng flood control project sa bansa, kung saan mayroon itong 668 na proyekto na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P6.5-B kahit na ang lalawigan ay hindi raw nakalista sa mga opisyal na lugar na madaling bahain.
Ang naging pagbisita ng pangulo ay bahagi ng patuloy na pagsugpo sa irregularities related flood control programs ng gobyerno, na binubuo ng 9,855 na proyektong natapos mula July 2022 hanggang May 2025 na pinondohan ng P545-B.
Bukod dito nag-inspeksyon rin ang pangulo sa Flood Mitigation Structure sa kahabaan ng Barangay Frances sa Calumpit, Bulacan. Sa halagang PhP77.1 milyon, ito ay itinayo ng Wawao Builders, na kinilala bilang isa sa top 15 contractors na may kabuuang 58 flood-control projects.
PALPAK NA FLOOD CONTROL PROJECT SA BULACAN, IBINUNYAG NG ISANG RESIDENTE SA PAMAMAGITAN NG SULAT PARA KAY PBBM
Samantala, isang residente naman mula sa Calumpit, Bulacan ang sumulat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para ireklamo ang inilarawan niyang hindi magandang imprastraktura sa mga flood control project sa kanilang lugar.
Ayon sa sulat, ang paggamit daw ng mga substandard materials, kakulangan sa soil compaction, hindi pagtanggal sa mga water lili at kakulangan sa pagtatayo ng mga dike ang naging dahilan ng pagbaha sa lalawigan, kung saan nagiging dahilan rin ito ng pagkasira sa mga bahay at lupang sakahan ng komunidad sa panahon ng tag-ulan.
Kasunod nito, una ng ipinayag ng pangulo na panagutin ang mga opisyal sa naging kapabayaan ng mga ito sa maling paggamit ng pondo ng publiko.-Ella Corazon, Eurotv News