KATIWALIAN SA LOOB NG NFA, HINDI PAHIHINTULUTAN; MGA NAHAINAN NG  DISCIPLINARY ACTION, UMABOT NA SA 117

Manila, Philippines – Sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na masugpo ang katiwalian, korapsyon, at malinis ang hanay ng mga opisyal sa bawat ahensya.

Naglabas ang National Food Authority (NFA) ng stern warning sa lahat ng kanilang mga kawani na hindi playground ang kanilang ahensya lalo na sa mga tiwaling opisyal. 

Kasunod nito, isinapubliko rin ng NFA Administrator Larry Lacson na sa ngayon umabot na sa 25 ang naisyuhan nila ng preventive suspension, 32 naman ang nahainan ng administrative case, 54 na show cause order habang anim pa ang nakasailalim sa masusing imbestigasyon.

Sabi ng NFA, madaragdagan pa ang mga bilang na yan hangga’t hindi tumitigil ang tiwali.

Nanindigan naman ang ahensya na kaisa sila sa direktiba ng Pangulo na alisin ang lahat ng mga kawani ng kanilang opisina na mapapatunayan sangkot sa anumang ilegal na gawain sandaling matapos ang Administrative Disciplinary proceedings na kanilang isinasagawa. 

Tinitiyak naman daw ng NFA na nagiging patas sila sa lahat ng kanilang mga empleyado, gayundin sa proseso ng pagsasaayos mga ipinataw na parusa at kaso.

Share this