Manila, Philippines – Isinusulong ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), ang pagbuo ng isang uniform o iisang polisiya sa illegal parking sa buong Metro Manila.
Sa isang pagpupulong ng Technical Working Group (TWG), na pinangunahan nina MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas at DILG Usec. for Plans and Programs Atty. Jon Salvahan, tinalakay ang mga mungkahing solusyon sa tumitinding problema ng ilegal na paradahan sa mga pangunahing lansangan.
Dumalo rin sa pagpupulong si Atty. Victor Nunez, Director ng Traffic Discipline Office (TDO) for Enforcement, pati na rin ang mga opisyal ng trapiko at mga kinatawan mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan ng Metro Manila.
Pagbuo ng Metro Manila-wide illegal parking policy na ipatutupad ng pare-pareho sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa rehiyon.
Pagkakaroon ng isang dedikadong grupo na tututok sa implementasyon ng mga bagong panuntunan.
Nagsumite na rin ng mga rekomendasyon sa DILG at pagtalakay nito sa samahan ng 17 mga Alkalde ng Lungsod.
Ang inisyatibong ito ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihing malinis at maluwag ang mga lansangan sa pamamagitan ng mas maigting na pagpapatupad ng batas-trapiko.