Cebu, Philippines – Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang Love Bus Libreng Sakay sa Metro Cebu bilang bahagi ng Service Contracting Program.
Layunin nitong magbigay ng libre, ligtas, at kumportableng sakay para sa mga commuter, lalo na tuwing peak hours.
11 Love Bus ang bumabyahe sa rutang Talisay City–Anjo World (Minglanilla)–Cebu City via South Road Properties (SRP)
Habang ang operasyon ng oras ng takbo nito ay mula 6:00 AM–9:00 AM at 5:00 PM–8:00 PM.
Araw-araw, tinatayang nasa libu-libong pasahero ang makikinabang sa naturang libreng sakay.
Unang ipinatupad ang programa sa Cebu noong Hulyo sa ilalim ng Service Contracting Program (SCP), sa rutang Urgello-Parkmall, kung saan 20,000 na pasahero ang nakikinabang kada araw.
Halos 650,000 na pasahero na ang nakinabang simula noong ilunsad ang unang Libreng Sakay sa Cebu.
Ang proyekto ay alinsunod sa utos ng Pangulo na ibalik ang iconic Love Bus at gawing libre ang sakay upang makatulong sa gastusin ng mga mamamayan.
Kasama sa paglulunsad sina Transportation Secretary Vince Dizon, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na siya ring sinubukan ang pagsakay sa naturang Love Bus.