SEN. VILLANUEVA, SEN. ESTRADA, DAWIT ANG PANGALAN SA IMBESTIGASYON NG KAMARA SA MGA GHOST PROJECT

Manila, Philippines – Matapos madawit ang mga pangalan ilang mambabatas mula sa House of Representatives sa pagtanggap ng kickback sa mga flood control project mula sa testimonya nina Sara Discaya at Curlee Discaya.

Dawit naman ang pangalan nina Senator Jinggoy at Senator Joel Villanueva sa pag-amin ni Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez sa pagdinig ng kamara sa mga guni guning proyekto.

Ayon kay ADE Hernandez, nagbaba ng 355 million para sa ilang flood control projects sa Bulacan.

Ilan lamang dito ang Contruction of flood mitigation with pumping station and flood gates sa Hagonoy at Malolos, Bulacan.

Sa pondong ibinaba umano ni Senator Estrada para sa mga proyekto, 30% dito ang commitment na dapat ibigay sa senador.

Tinatawag nilang committment ang kickback na dapat matanggap ng isang recipient.

Nagsisimula ang bawat halaga ng pondo mula 30 million pesos hanggang 60 million pesos.

Lahat ng ito ay mula sa pondo na ibinaba umano ni Estrada.

Sa kabilang banda, noong 2023, nagbaba rin si Senator Joel Villanueva ng 600 million pesos at katulad kay Estrada, mayroon din umanong 30% na commitment para sa Senador.

Lahat aniya ng mga politiko ay si Bulacan 1st District Engr. Henry Alcantara ang nakakausap.

Kung saan si DE Alcantara ay nakatatanggap din 3% na commitment sa mga kickback.

Sinuportahan pa ng ilang litrato at ilang screenshot ng mga mensahe mula sa isang app ang pag-uusap ni Bulacan 1st District Engr. Henry Alcantara.

Sa ilang litrato, nakita na magkasama si Estrada at Alcantara noong kaarawan mismo ng senador.

Sa opisina ng unang distrito at sa isang inarkilang lugar, inihahanda ang limpak limpak na pera para ipapadala o di kaya naman ay ipinakukuha sa isang tauhan.

Kasama sa mga litratong inihanda ni Hernandez ay isang disappearing message sa pagitan ni Alcantara at Sen. Villanueva.

Ayon kay Jaypee Mendoza, pinag-usapan nina Villanueva at Alcantara noong 2022 kung saan pinag-uusapan ang mga proyekto sa Bulacan.

Nabanggit pa rito ang posisyon nito senado bilang majority floor.

Sa mga isiniwalat na litrato at pangalan ni Hernandez at Mendoza, pareho itong humiling ng proteksyon sa kamara para kaligtasan nila at ng kanilang pamilya.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this