Manila, Philippines – Mula January hanggang July 2025, umabot 20 million pesos ang kabuuang halaga ng local at foreign trip ni Vice President Sara Duterte.
Batay sa inilabas na computation ng Office of the Vice President, sa 31.5 million pesos na nakalaan para sa International Travel ni Vice President Sara, 7.473 million dito ay nagastos para sa security at iba pang tauhan ng OVP.
Habang 3.157 million ang ginamit ni Duterte para sa kanyang local travel, kasama na ng kanyang mga close in personnel at security, at 10.049 million ang para sa ibang tauhan ng OVP.
Sa kabuuan, 13.207 million ang nagastos ng bise presidente sa nakalaang pondo nito para sa Domestic Travel niya na 31 million.
Ayon kay OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, lahat ng overseas travel ng bise presidenre ay ginastusan ng isang travel authority at hindi nagmula sa pondo ng publiko.
Ito ang naging kasagutan ni Ortonio ng kaugnay sa mga kritisismong natatanggap ng bise presidente sa paglabas paglabas nito ng bansa.
Samantala, ipinagpaliban ng house appropriation committee ang pagdinig para sa panukalang pondo ng OVP sa 2026.
Iniurong ang pagdinig sa September 16, kung saan kinumpirma ni Duterte na dadaluhan niya ang susunod na pagdinig.—Krizza Lopez, Eurotv News