Manila, Philippines – Tuluyan nang nakafreeze ang ari-arian ng mga contractors na sangkot sa katiwalian sa pondo ng mga flood control project.
Ayon kay Anti-Money Laundering Council (AMLC) Atty. Matthew M. David, naka freeze ang mga ari-arian ng 20 opisyal mula sa Department of Public works and highways at ilang mga contractor.
Kabilang sa mga naka freeze na ari-arian ay sina Bulacan 1st district engineer Henry Alcantara, Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez, at former OIC Assistant Engineer Jaypee Mendoza.
Gayundin ang mga ari-arian nina Sara Discaya, Curlee Discaya, at Ma. Roma Rimando na siyang may-ari ng St. Timothy Construction at St. Gerard construction.
Si Mark Allan V. Arevalo na general manager ng WAWAO builders at Sally N. Santos, may-ari ng SYMS Construction Builders.
Ito ang naging resulta ng kahilingan ni Public Works Secretary Vince Dizon i-freeze ang mga ari-arian para maiwasan ang pagtatago nito na maaaring mula rin sa katiwalian.—Krizza Lopez, Eurotv News