PAGTAAS NG SAHOD, MEDICAL ALLOWANCE SA MGA GOCCs, INAPRUBAHAN NA

Aprubado na ni President Bongbong Marcos (PBBM) ang pagtaas ng sahod at pagbibigay ng medical allowance sa mga empleyado ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs).

Inanunsyo ito kasabay ng pagdiriwang ng 2025 GOCCs Day sa Malacañang Palace nitong ika-16 ng Setyembre na pinangunahan ng Department of Finance (DOF).

And in support of the hardworking men and women who make this possible, I have approved the Compensation and Position Classification System II that will increase the salaries of GOCC employees. Well-deserved naman,” saad ni PBBM.

Dagdag pa rito, kinilala ng Pangulo ang papel ng GOCC partikular ang kanilang kontribusyon at suporta sa mga social programs at proyekto ng gobyerno na nakatutulong sa paglilingkod para sa bayan. 

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman, malaking tulong ang naging pagbabago para sa mga GOCC employees at mas mapabubuti nito ang pagsasakatuparan ng kanilang tungkulin para sa mga kababayan. 

Sa pagtatapos ng programa, nag-iwan ang pangulo ng mensahe para sa mga empleyado na ipagpatuloy ang husay at pananagutan na maibigay ang tamang serbisyo para sa bawat mamamayang Pilipino. 

So, as we celebrate these milestones, let us also recognize that there is much work still left to be done. My challenge to our GOCCs is to invest in modern technology, simplify our processes, and cut down on red tape so that every Filipino enjoys easy, fair, and dignified access to the services that they deserve,” dagdag pa ng Pangulo. — (Leila Doria, Contributor)

Share this