MANIBELA, SINIMULAN NA ANG TATLONG ARAW TIGIL PASADA AT PROTESTA VS. LUMALAKING KORAPSYON

Manila, Philippines – Nagsimula na ngayong araw ang tatlong araw na tigil-pasada at kilos-protesta ng grupong MANIBELA, isinagawa ang unang araw ng transport stike sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, PhilCOA area. 

Sigaw ng grupo, ito ay para kondenahin ang patuloy na lumalalang korapsyon sa bansa na sinabayan pa ng taas presyo ng produktong petrolyo at ang pagpapahirap ng DOTr – SAICT. 

Ayon kay Manibela President Mar Balbuena, tama na at sobra na ang nagyayareng mawalakang korapsyon sa bansa, dahil sa kagagawan ng mga opisyal ng gobyerno at ang katiwalian sa Department of Public Work and Highways (DPWH). 

Mariing din na kinondena ng grupo ang mga sangkot sa katiwalian ng diumano’y paggamit ng buwis ng mga tsuper tulad na lamang ng excise tax ng diesel para lamang sa kanilang pansariling hangarin.

Dagdag pa nito na habang ang mga tsuper ng jeep ay halos magdamag raw na bumiyahe para lamang maitaguyod ang kanilang mga pamilya, ito pa ang kanilang malalaman. 

Bukod sa pagkontra sa korapsyon, panawagan din ng grupo na ibalik na ang limang taong prangkisa para sa mga tradisyunal jeepney at ibasura ang planong pag-phaseout ng mga ito. 

Ayon kay Alex isa sa miyembro ng grupo, tutol ito sa iminumungkahi na palitan na ng modern jeepney ang mga  tradisyunal jeepney, aniya bahagi na ito ng ating kultura at tradisyon. 

Dagdag pa nito, hindi dapat mainggit ang mga pilipino sa ibang bansa, dapat na lamang na ipagmalaki ang sariling atin. 

Samantala, inaasahan na aabot sa 100,000 na mga tsuper ang makikilahok sa isinasagawang nationwide transport strike mula September 17 hanggang 19 sa pangunguna ng grupong MANIBELA.

Ikakasa naman ang malakihang kilos-protesta sa Luneta sa September 21, bilang bahagi parin ng kanilang panawagan.—Grachella Corazon, Eurotv News

Share this