PANGULONG MARCOS, HANDANG HARAPIN ANG IMBESTIGASYON KAUGNAY SA FLOOD CONTROL PROJECT SCANDAL 

Manila, Philippines – Handang harapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbestigasyon sa flood control project scheme. 

Ito’y matapos ilabas ng Philippine Center for Investigative Journalism na tumanggap ang pangulo ng donation sa mga contractor.

Na kalaunan ay dumami ang kontrata nito sa loob ng nakalipas na tatlong taon. 

Ayon kay Palace Press Officer at undersecretary Atty. Claire Castro, hahayaan nilang gawin ng Commission on election ang kanilang trabaho.

Handa rin aniya ang pangulo na harapin ang imbestigasyon sakaling kinakailangan siyang imbestigahan. 

Sa ngalan ng pagbibigay ng accountability, handang humarap ang pangulo sa binuo niyang independent commission for infrastructure para maimbestigahan. 

Hindi aniya magpapa-excuse ang pangulo sa imbestigasyon. 

Batay sa report ng PCIJ, milyon milyon ang natanggap na donasyon nina Pangulong Marcos at bise President Sara Duterte para sa kanilang kampanya bilang magkaalyansa noong 2022 sa mga contractor. 

Sa kabila ng probisyon sa Omnibus Election Code na pinagbabawalan ang mga tumatakbo para sa posisyon sa gobyerno na tumanggap ng kontribusyon mula sa entities na may kontrata sa gobyerno. 

Batay sa ipinasang Statement of Contributions and Expenditures, 20 million pesos ang natanggap ni pangulong marcos mula kay Rodulfo D. Hilot Jr., may-ari ng Rudhil Construction & Enterprises Inc

Isang milyong piso mula kay Jonathan Quirante, may-ari ng Quirante Construction Corporation ang natanggap na donasyon ni Marcos. 

Sa nakalipas na tatlong taon, dumami ang nakukuhang kontrata ng dalawang contractor sa gobyerno.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this