Bulacan, Philippines – Inanunsyo ng National Bureau of investigation (NBI) na sinampahan ng Bulacan South District Office si dating bamban, tarlac Mayor Alice Guo at ang pamilya nito.
Ayon sa NBI, 30 counts of falsifications sa pampublikong dokumento na may kinalaman sa Businesses’ article of incorporation, secretary’s certificate, at 2021 General information Sheet.
Bukod pa rito, kinasuhan din ng 30 counts si Guo ng simulation of Minimum Capital Stock sa ilalim ng Anti-Dummy Law, at 4 counts of falsification sa mga pampublikong dokumento na ginamit para sa mga negosyo, katulad nga occupancy, at building permit.
Maliban kay Guo, kinasuhan din sina Sheila Guo, Seimen Guo, at Lin Wen Yi.
Ayon sa NBI, nakita sa imbestigasyon na tumatayo bilang mga incorporator ng ilang mga kumpanya sa marilao sina guo.
Kung saan, pagmamay-ari nila ang malaking bahagi ng share nito.
Nakaraang araw din ay sinampahan ng NBI si Guo ng kaso sa kriminal at administratibo.—Krizza Lopez, Eurotv News