BAGONG SINGLE NG BINI NA “FIRST LUV,” INILABAS NA 

Manila, Philippines – Inilabas ng Nation’s girl group na BINI ang kanilang latest single na pinamagatang “FIRST LUV”

Ibinahagi nila ito sa Youtube account ng BINI na ngayo’y nasa mahigit 500, 000 views and counting.

Pasilip ‘yan sa kanilang paparating na full length album. 

Ang kantang “First Luv” ay isang awitin tungkol sa iba’t ibang uri ng pagmamahal, sa sarili man, pamilya, kaibigan o sa romantikong paraan, kung saan nagmistulang mga kupido ang bawat miyembro ng Bini. 

Bukod sa walong miyembro, makikita rin sa nasabing music video sina esnry ranollio, real life couple na sina klarisse de guzman at Trina Rey , lance lucido,Miguel vergara at marami pang iba.

Ngayon, mapapakinggan na sa lahat ng streaming platform ang First Luv.

Share this