Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng calamity fund ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Public Works and Highway (DPWH).
Ito ay bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mabilis na pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng lindol sa cebu.
Handa nang ilabas ng DBM ang 1.625 billion bilang replenishment sa quick response funds ng dalawang ahensya.
625 million piso ang nailabas na para sa QRF ng DSWD sa kanilang pondo sa fiscal year 2025.
Ang halaga ng inilabas na pondo ay gagamitin para prepositioning ng relief goods sa mga warehouse ng DSWD at sa emergency cash transfer program.
Habang ang 1 billion pesos ay para sa pagkukumpuni ng DPWH sa mga nasirang gusali, kalsada, at tulay, maging ang mga bayad sa kagamitan.
Tumatayo bilang stand by fund ang QRF ng bawat ahensya para sa relief and recovery programs ng mga ito sa oras ng kalamidad.—Krizza Lopez, Eurotv News